“…HINDI na po namin in-upgrade yan (gensets) noon pa dahil aalis na nga kami. Hindi na po nilagyan ng budget ng Napocor ang Marinduque dahil may pirmadong kontrata ang Marelco at 3i Powergen…kahit pa sinabi nang kung sino may dadating na power barge may dadating na bagong generator PANSAMANTALA lahat yan! Mararanasan natin lahat ang mga brownout ulit…tayo po ang consumers hwag natin basta payagan sa mga nasa Marelco officers ang mga pirmahan sa opisina, ang pagpirma sa bagong kontrata. Ang puno’t dulo nang lahat ng ito ay ang PALPAK na pinasok na kontrata ng Marelco sa 3i Powergen. Ang hinihingi lang natin bilang mga mamamayan aksyonan na agad wag nang patagalin pa. Dapat i-ayos na ang AGREEMENT at ng sa gayon maging istable na ang supply ng ating kuryente sa mga darating pang mga taon. Ito po ang magandang direksyon nating puntahan. Kung kinakailangang i-AUDIT ang Marelco at makita ang benta..i-audit! Kung talagang maganda ang management ng Marelco ay dapat napapaliit ang utang ng unti-unti. Ito ay mismanagement, ito ay problemang mismanagement!” --Bishop Evangelista