Powered By Blogger

baculadosview@blogspot.com

Monday, August 8, 2011

MARINDUQUE: Marelco, Napocor kinundena ng SP



(Press Release from the Sangguniang Panlalawigan)
MARELCO-NAPOCOR, KINUNDENA NG SP











Kinundena ng  Sangguniang Panlalawigan (SP) ang MARELCO at NAPOCOR sapagkat sa paulit-ulit na problema ay parehong wala pa rin silang alternatibong solusyon o agarang solusyon sa nararanasang krisis sa kuryente. Pinatawag sa kapulungan ang dalawang ahensiyang nabanggit noong ika-25 ng Hulyo taong kasalukuyan upang alamin ang tunay na problema at nakahandang solusyon dito.
 Bagaman at alam ng buong kapulungan na ang Sangguniang Panlalawigan maging ang Gobernador o sinumang opisyal ng pamahalaang lokal ay walang papel na batayan upang  makontrol o pakialaman ang  anumang desisyon at pamamalakad ng MARELCO, kooperatibang ang tunay na nagmamay-ari ay ang taong bayan na konsumidor ng kuryente. Gayundin ang mga local na opisyal ng pamahalaan ay walang pananagutan sa estratehiya o programa ng NEA, Department of Energy at ng NAPOCOR na may layuning missionary electrification na unti unti na ring pinuputol ng pamahalaang nasyunal, hindi maiwasan ng SP bilang boses ng taong bayan na kundenahin ang mga namummuno dito.  Gayon pa man lahat ng paraan ay ginagawa ng SP upang makatulong at maibsan ang sularin sa kuryente.
Sa simula pa lamang ng panunungkulan ng 12th SP naging aktibo na ang lahat ng Bokal upang masolusyunan ang problema sa kuryente ng lalawigan, ilan sa mga nagging hakbang nila ang sumusunod:
-  Nagsagawa ng mga pagpupulong/konsultasyon kasama ang iba pang opisyales ng pamahalaan at ahensiyang may kinalaman sa kuryente upang tukuyin at solusyunan ang problema.
-  Naging katuwang ng SP ang Punong Ehekutibo sa pagsagawa ng energy summit noong February 9, 2011
-  Hiniling ang tulong ni Mr. Li Yun Jin-Chief Representative ng Jinchuan Group Ltd. Peoples Republic of China, kumpanyang nag-aaral at nagbibigay solusyon sa katulad na sitwayon ng Marinduque (SP Res. No. 74 s. 2010).
-  Imbitasyon para sa mga Independent Power Producers (IPP) at Public Private Partnership (PPP) (SP Res. No. 202 s. 2011).
-  Nakipagpulong si Vice Governor Antonio Uy, Jr. kasama ang ilang Bokal sa Mackay Group of Companies, isang Australian firm na may espesyalisasyon sa Green Energy, power generation na gumagamit ng agricultural waste o mga basura kung saan kikita ang probinsiya at magkakaroon din ng livelihood sa pagtatanim ng Bana Grass.
-  Binigyang kapangyarihan ng Kapulungan ang SP Committee on Oversight and Monitoring na makialam at makipagugnayan sa mga kinauukulang ahensiya  sa paggawa ng COMPREHENSIVE ENERGY PLAN para sa Marinduque. (Res. No.  381 s. 2011)
-  Hiniling sa National Power Corporation-Head office na ibigay na ang Crankshaft na kailangan sa Power Barge 120 sa Balanacan na halos isang taon ng nakabinbin.
-  Sinuportahan ng SP ang kahilingan ng MARELCO na magamit ng libre sa loob ng tatlong (3) taon ang 69 KV lines ng NAPOCOR (Res. 207 s. 2011.
-  Niluwagan ng Pamahalaang Panlalawigan ang paniningil sa MARELCO ng utang na buwis upang hindi na ito makadagdag pa sa problemang kinakaharap ng naturang kooperatiba (Committee Report No. 25-2011).
Samantala, base sa nakalap na impormasyon ng Sangguniang Panlalawigan sa pamunuan ng NAPOCOR at MARELCO sa nabanggit na pagpupulong noong Hulyo 25, ito ang mga dahilan na tinukoy ng NAPOCOR sa  patuloy na kadiliman sa Marinduque:
1.        Kulang na supply ng krudo.
2.        Isa lamang ang gumaganang makina ng power barge, sira ang 3 unit (kulang na spare parts)
3.        Kakulangan ng pondong inilaan sa NPC ng national government pambili ng krudo para sa Marinduque.